FilipinoTranslation

From The Battle for Wesnoth Wiki

Filipino (FIL) at Tagalog (TL)

Kung nais niyong tumulong sa pagsasalin sa wikang Filipino at Tagalog ang larong ito, kayo ay nasa tamang pahina ng website na ito. Maaring matanong mo kung ano ang pinagkaiba ng Filipino at Tagalog. Hindi ganoon kalawak ang pagkakaiba, ngunit sa kadahilanang ang Tagalog ay nasimulan na sa pagsalin ng mga proyektong software na malaya, ay madalas sinisumulan ang proyektong pagsalin sa wikang Tagalog (TL) bago ito ilipat sa Filipino (FIL). Kung ang proyekto ay naisalin na sa FIL, ay maari din naman ito isalin sa TL. May maliit na artikulo ang Wikipedia sa usapang Filipino at Tagalog at kung ano ang nararapat na gamitin.

Kayo po ay iniaanyahan namin na subukan ang larong ito lalo na sa mga taong malawak ang bokabularyo at magaling sa pagsasalin. Sa ganitong paraan makakatulong tayo hindi lamang sa mga kababayan natin na hindi masyadong nakakaintindi ng wikang Ingles, nakatutulong tayo pati sa inang bayan na unti-unti nang nawawalan ng sariling wika dahil sa impluwensiya ng mga wikang banyaga.

Pangkat ng Pagsasalin sa Wikang Filipino

PangalanPalayawEmailPosisyon
Karen Eve Eso keeve eveUNDERSCOREesoATyahooDOTca Taga-pangalaga

Paano Magsimula?

Ang pinakaunang dapat gawin ay iluklok ang Poedit Ang poedit ay isang program na ginagamit para sa malinis at madali na pagsasalin. Pagkatapos nito ay magpadala ng email sa taga-pangalaga upang mabigyan ng mga .po files. Ang mga .po files ay nababasa ng poedit.

Istatistiks

Makikita ang porsyento ng pagsasalin dito sa Wesnoth Translation Stats.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalin

Maaari ninyong gamitin ang mga sumusunod kapag kayo ay nahihirapan sa pagsasalin.

Google Translate Diksyunaryo ni Gabby

This page was last modified on 16 October 2009, at 03:50.